Jeremy Santos:  

CLASS OF 1979
Bacoor cavite,

Jeremy's Story

I am from class of 1979 [Miss E. Blanco is my adviser in my senior year (fourth year)]. Gusto kong kamustahin ang mga dati kong mga classmates at mga schoolmates, nakaka homesick kasing masyado rito sa ibang bansa. Kailangan lang kasing kumita nang maayos kaya napilitan akong mangibang bansa. Higit na mas masarap mamuhay sa ating sariling bansang Pilipinas. Karamihan sa mga kasamahan ko ay mas gustong magtrabaho diyan sa atin sa Pilipinas. Kumusta na kayo riyan? Pagkatapos ko ng highschool sa SMI, 1979, sinubukan kong kumuha ng college entrance exam sa Mapua Institute of Technology. Nakapasa naman, sa awa ng ating Amang si YAHUWAH kaya doon na ako pumasok para sa kolehiyo. Nakaeskuwela ko roon sina Annie Manalili, Rodel Rogacion, at Gerardo Apolonio. Pareho kami ni Bong (Rodel) Rogacion na nagtapos sa Mechanical Engineering (BSME). Pagkatapos kong makapasa sa ME board exams (April, 1986), nahirapan ako nang hustong makakuha ng trabaho sa atin sa Pilipinas kaya sinubukan kong mag apply sa mga overseas job. Natanggap naman ako (my first job) sa isang maintenance job (Refrigeration and HVAC technician) sa Ministry of Defense and Aviation - King Abdul Aziz Military Academy sa Al Oyaynah, Riyadh, Saudi Arabia (MODA-KAMA). Okay lang ang trabaho, marami akong natutuhan dahil sa kabutihan ng mga kapwa natin pilipino na walang sawa at walang pag-iimbot na nagturo sa akin ng mga dapat kong malaman at matutuhan tungkol sa trabaho ko (on-the-job training na pinagsikapan ko talagang matutuhan at matandaan). Pare-pareho nga lang kaming mga "homesick na homesick" doon. Tinatanaw kong napakalaking utang na loob ang mga kabaitan at walang sawang pagsubaybay nila sa akin. Naging parang mga ama, mga tiyuhin at mga nakatatandang mga kapatid (kuya) silang lahat sa akin doon. Pagkatapos ng dalawang taong kontarata ko sa MODA-KAMA employer ko (1987-1989) ay umuwi na ako ng Pilipinas . Noong 1990, pa...Expand for more
paalis na sana ako para magtrabaho sa Kuwait as a Ref and HVAC technician subali't biglang sumiklab ang digmaan doon between Iraq and Kuwait. Dahil doon sinubukan ko uling maghanap ng trabaho sa atin sa Pilipinas dahil may job experience na ako kaya ako nagkaroon ng lakas nang loob na muling maghanap ng trabaho sa bansa natin.Nakapasok naman ako sa Philips Semiconductor Company sa Las Piñas, Metro Manila (1991-1992) as a wirebond technician sa mechanical department (Power Frontline). May nakatrabaho akong ilan sa mga highschool schoolmates ko roon. Isa sa kanila ay si Amy [(class of 1979)(nalimutan ko na ang apelyido nya)], si Joseph Cuevas (class of 1980) at marami pang iba na hindi ko na maala ang mga pangalan (pasensiya na kayo sa akin, tumatanda na kasi eh). Pagkatapos ng halos dalawang taong pagtatrabaho ko sa Philips ay pumunta naman ako rito sa USA para mag migrate. Iniwan ko muna ang naging girlfriend ko sa Philips na si Razelyn (officemate ko) para pumunta sa USA. Pagkatapos kong makakuha ng "greencard" dito sa USA ay binalikan ko siya sa Pilipinas at pinakasalan tulad ng ipinangako ko sa kanya noong bago pa ako nagpunta dito sa USA. May apat na mga anak na kami ni Razelyn sa ngayon, mga binata at mga dalaga na sllang lahat. Nakatapos na ng Civil Engineering ang panganay namin at ang iba ay nagsisipag-aral pa; kumukuha ng mechnical engineering ang isa at ang isa pa ay mass communications naman ang kinukuha, ang bunso namin ay nasa second year highschool sa ngayon. Mahirap na ring mamuhay sa USA sa ngayon dahil katatapos lang ng recession dito at kailangan talagang magtrabaho nang husto ang bawa't isa. Para sa akin, mas masarap pa ring mamuhay diyan sa atin sa Pilipinas kaysa rito sa America (USA), pero sariling opinyon ko lang iyon, ang ibang tao ay iba rin ang opinyon nila tungkol doon. Mas gusto kong mag retire diyan sa atin sa Pilipinas pagdating nang tamang panahon.
Register for Free to view all details!
Reunions
Register for Free to start a reunion event!

Jeremy Santos is on Classmates.

Register for free to join them.
Oops! Please select your school.
Oops! Please select your graduation year.
First name, please!
Last name, please!
Create your password

Please enter 6-20 characters

Your password should be between 6 and 20 characters long. Only English letters, numbers, and these characters !@#$%^&* may be used in your password. Please remove any symbols or special characters.
Passwords do not match!

*Required

By clicking Submit, you agree to the Classmates TERMS OF SERVICE and PRIVACY POLICY.

Oops an error occurred.